bale pari (bahay pari)

ay, wag malito bale pari talaga ibig ko sabihin. tinagalog ko lang. sabi kc nun mga nagtatrabaho dun ang bahay pari ay na sa candaba. bale pari ang tawag d2!

sagot ng classmate ko, eh tagalog daw kc xa. e2 sagot sa amen –>wag na kayong makulet ung nasa pampanga bale pari talaga pangalan mapa tagalog o kapampangan ka! hehe.

anywei highway. nagduty kc kame nun friend ko dun nung monday, domus pastorum na din new name nya ngayon. nag stay doon yung mga matatanda at retired na mga pari.

soo ano ginagawa namen doon? mostly wala naman tumutulong maglinis sa mga kasamabahay, nkikipag kwentuhan sa mga pari, kuha ng blood pressure, mga ganon lang. pero nag-eenjoy talaga ko mag-duty dun. kung pwede nga lang palagi nalng doon, kaso ang kailangan ko para maka pag board exam eh mga nanganganak, so no choice once a month lang talaga ang visit namen dun.

marami kaming nakakatuwang experience dun nun mga classmates ko, yung iba kwento lang nila sa aken.

1. kwento ni juliet: nagbabasa daw cla ng FHM sa may kusina, nang biglang dumating yung isa sa mga pari. LOL ayun todo sermon sila at sinumbong sa head priest. (natatawang pinapagalitan ni head priest mga classmates ko) for the sake lang na pagbigyan yung isang pari. :P

2. si father na 91 yrs old na. medyo ulayanin na sya, pero nakakatuwa talaga sya, sampong beses lang naman nya tinanong pangalan ko at kung baket andun ako. kaya ngayon pag kakausapin nya ko, mga 3x ko lang xa sasagutin at pag katapos magtatago na ako. maloloka ako sknya haha

3. si father na pinalinis sa amin yung kwarto nya, pag katapos ipalinis binigyan nya ko ng rosary at isang malaking booklet na dated 1992 pa. (grabe 1992? nkita ko andami pa nyang copies un) nun binuksan ko ung booklet eh mga pictures ng iba’t ibang parishioners d2 sa pampanga. hahaha

4. si father na sinabi sa aken na gusto rin daw nya mag-midwife. hahaha

5. si father na tinatanong ako sino daw ung nag mimisa sa lugar namen. edi sinabe ko ung name, eh pangalan pala nya yun! 1 year na daw syang hindi nag mimisa sa lugar namen (na-huli akon na hindi nagsisimba!)

6.si father na 80+ na, nagmisa sya at nagsermon. akala ko hindi na kami matatapos 5x ata nya inuulit bawat kwento nya. wahaha

7. nun pinag timpla ko ng gatas ung isa sa mga father, napaso sya. masyado palang mainit yung tubig na nailagay ko. :(

8. si father na 91 yrs ule. tuwing dadaan yung classmate ko ganto sabi nya “ay ang swerte naman ng kapatid ko” bkt po? ang taba taba mo kc. mga 20x yun wahaha. maiyak iyak yung classmate ko, na hurt yata. wahaha

9. si father padin na 91 yrs. old sinuntok sa mukha yung nag-aalaga sknya, biniro kc na magsuntukan sila. wahaha

10. biniro nila si father na asawa ko daw yung isa sa mga nurse na andun. sagot ni father “bket ang payat nya?” ay father 12 na kc anak nya, (mga walang hiya sila!) hehe

sOo ayun nga, masaya naman experiences ko sa lugar na yun. ewan ba kung bket yung iba hindi nag-eenjoy. tas andami pa pagkaen (halatang patay gutom) sa 6am-6pm na duty ko 5x ata ko kumakaen hehe. :P

4 Comments

Filed under buhay estudyante

bagyong ondoy

grabe, mas malakas pa pala sya dun sa hurricane katrina? sabagay sa pagkaka alam ko, pag pangalan daw ng lalaki ung bagyo mas malakas. nakakagulat lang, hindi ko in-expect na ganun kalake yung magiging epekto ng bagyo na ito. d2 kasi sa amen hindi naman bumaha. and i’m thankful safe lahat ng kaibigan at kamag-anak ko na nasa mga lugar na apektado ng bagyo. pero nakakalungkot na malaman na andaming tao ang nawalan ng bahay, ari-arian at mas malala may mga nag buwis din ng buhay. sna mag-silbing aral to, sa lahat sa atin na magtapon ng basura sa tamang tapunan. nakaka apekto kaya sa baha yun.

at oo nga pala, yung mga may maitutulong tumulong na din. sabi nga nila one person’s trash is another person’s treasure.

4 Comments

Filed under Uncategorized

sad movie clip

Post Updated:

a very sad movie clip (please refer to this link)

nakita ko yung clip na ito kahapon, grabe naiyak ako. well naiyak ako for two reasons, first is dahil sobrang naaawa ako sa mga bata na nasa video and secondly na-realize ko kung gaano ako ka-swerte, na kahit ano man yung mga problems na ma-encounter ko dapat kayanin ko.

at lagi rin nating iisipin na kaya nating tumulong sa kahit ano mang simpleng paraan , lalo na sa mga tao na alam naten na mas higit na nangangailangan.

for me, that little girl is really an angel.

5 Comments

Filed under Uncategorized

naligo sa ulan

ay oo nga pala, mga last week siguro yun.. wala akong magawa kaya napag-tripan kong maligo sa ulan. haha! sayang nga lang at mag-isa lang ako, mas masaya kc sana kung kasama ko ung mga kaibigan o kapatid ko hehe. hirap talaga pag may pagka loka-loka ano? :p

anywei, tnry ko naman mag-aya, ayaw nila raw nila :) )

pictures below:

blurred

blurred

2 Comments

Filed under pag tinotopak.

late.

2:00 pm ang duty ko. sa pagkaka-alam ko wala kaming clinical instructor nung araw na yon (sep16,2009). kaya napag desisyunan ko na magpa-late, bibili pa kc ko ng arnis at iniwan ko rin sa bahay ung envelope o, dahil mabigat. oo mabigat ang envelope! (wala pa kc akong 50kgs).

dumating ako sa hospital ng 2:30, sa isip ko dadagukan ko mga groupmates ko kapag inabsent nila ako, kaso ayun pala may C.I. (anak ng magaleng!) kulag mga late nako, kulang pa paraphernalia’s ko.

C.I: chona, bket ka late?

Chona: mam, bumili po ko ng arnis. (sabay pasok sa E.R)

chona: bket may C.I tayo?

classmate: nag-kamale daw sya ng tingen sa sched, kaya ayun.

Chona: nako naman, sa isip ko pa naman tayo alng kulang pa naman gamet ko.

(pag ka tingen ko ng attendance, absent ako)

Chona: (kausap ung arnis stick) ayan kc kasalanan mo yan, nimal ka na-late kc ako.

classmate: ano? loko ka noh, bket ako sinise mo.

chona: gaga, ikaw ba kausap ko? ung arnis ung kausap ko. buset kc na-absent ako dahil sknya.

classmate: ewan ko sayo.

chona: hehe, sawsaw ka kc hindi naman ikaw kausap ko :p

(ayun nga, hanggang ngayon pinag iisipan pa nun C.I ko kung iaabsent nya ko :( ).

hindi yan ung arnis ko. :))

hindi yan ung arnis ko. :) )

Leave a Comment

Filed under buhay estudyante

nakakamiss

hindi nyo ba namimiss nung bata pa kayo? mag laro sa daan, maligo sa ulan, mag laro ng text (post cards), trumpo, tumbang preso, patintero, langit lupa, basta madami pa. nakakamiss din yung mga kalaro ka noon, ngayon kc pag nagkakasalubong kami sa jeep, hangang smile nalang kami sa isa’t-isa. nagkakahiyaan na. pero madalas naman, mga pinsan ko mga kasama kong naglalaro kaya nakakatuwa pa din kapag nagre-reminisce kami. naalala ko din bigla nun nahulog yung malaking salamen sa kwarto, dahil lang sa naglalaro kami ng taguan, ayun kanya kanya na kaming takbo nakakatakot kc ung sigaw ng tatay ko! haha. pero ayun hindi naman pala nabasag ung salamen. first at last time ko din nagrounded noon. ang sarap maging bata, lalo na kung tulad ko na ang pinoproblema ko lang eh yung pinsan kong nagalet sken dahil dq xa binigyan ng chocolate! hehe mas makulit nako ngayon, pero hindi nako ginagrounded, hindi naman na kc effective. mas marami na din akong pinoproblema,marami rin akong iba pang unforgetable experience, pero ung iba hindi na nkakamiss. :p pero kung iisipin, sabi nga nila live life to the fullest :)

2 Comments

Filed under Uncategorized

napalo ng prof.

aha. grabe ang tanda na namen pero napapalo pa kami ng prof.

pero ayos lang, d naman masaket (ahh d naman masaket). lambeng lang naman nya yun. ganito kasi yung kwento, tuwing may hospital duty kami (night shift) tinuturuan nya kami nang iba’t ibang bagay, kung pano mag swero, mag inject ng vitamins etc. eh kung minsan bangag na ako. (inaantok o pumasok ng may hang over) kaya ayun either nakukurot o, napapalo ako.

ang technique pa nga nya hawak nya kamay ko tapos pag napapabilis ung pag push ko nung syringe eh kinukurot nya ko! =)) ..

2 Comments

Filed under Uncategorized